LABAN SA KATIWALIAN

LABAN SA KATIWALIAN

Laban sa katiwalian web
Nakipagkamay si Environment Secretary Roy A. Cimatu (pangalawa mula sa kaliwa) kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman at president Dante Jimenez matapos pirmahan ng dalawa ang isang memorandum of agreement (MOA) sa DENR Social Hall noong Hulyo 31, 2017. Isinasaad ng MOA na ang VACC ay maging katuwang ng DENR sa pagsugpo ng krimen at katiwalian sa loob ng ahensya upang lalong mapagbuti ang kanilang serbisyo sa mamamayang Pilipino. Kasama rin sa larawan ang dalawang saksi sa pirmahan na sila Usec. Ernesto Adobo, Jr. ng DENR (pinaka-kaliwa) at Atty. Manuel S. Obedoza, Jr., vice chairman ng VACC (pinaka-kanan). ###